Una sa Balita

Produktong baboy bawal sa Davao

0 251

PANSAMANTALANG ipinagbabawal sa ­lalawigan ng Davao Oriental ang pagpasok ng baboy o anumang pork-based product na galing sa ­Luzon at iba pang lugar na apektado ng African swine fever (ASF).

Sinabi ni Karen Lou Deloso, ­provincial ­information ­officer ­bumuo na rin ang ­provincial ­government ng task force para ­mangasiwa sa swine ­fever scare.

“The Task Force is ­divided into teams ­composed of various ­offices and agencies who will take charge on the ­rapid action, surveillance, ­quarantine, ­census; and public ­information, ­education, and communication,” ani Deloso.

Kinumpirma rin ng opisyal na ang ban ay alinsunod sa ­inisyung Executive Order 29 ni Governor Nelson ­Dayanghirang .

Samantala, tiniyak ni Provincial ­veterinarian Dr. Eric Dagmang na ang Davao Oriental at iba pang kalapit na ­munisipalidad ay ligtas sa ­nasabing sakit.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy