Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Produktong agrikultura na i-export ililibre sa buwis

0 193

Agresibong isusulong ni dating Senador Jinggoy Estrada ang muling pagpasok sa Amerika nang walang taripa o buwis ang mga agricultural export ng Pilipinas upang matulungan ang milyon-milyong magsasakang Pinoy.

Ayon sa beteranong senador, kanyang prayoridad sakaling makabalik sa Senado ang muling pagbuhay o “renewal” ng “General System of Preferences” (GSP) na nagbibigay ng ‘tax privileges’ sa mga produktong Pinoy papasok sa Estados Unidos.

Kabilang sa mga pangunahing export products ng bansa sa Amerika ang asukal, prutas, vegetable oil, isda at seafood products, tobacco at marami pang iba.

Aniya, halos 10 milyong manggagawang Pinoy sa agriculture sector ang tuwirang makikinabang sa oras na maibalik muli ang Pilipinas sa mga bansang pinagkalooban ng GSP ng gobyerno ng Amerika.

Leave A Reply

Your email address will not be published.