Una sa Balita

Produksyon ng bangus, GG, tuna, sugpo bumagsak

By
0 562

TUMAAS ng 0.92% ang produksyon ng sektor ng pangingisda noong ­nakaraang taon.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), kabilang sa mga nadagdagan ang produksyon ay ang mga halamang dagat o seaweed, skipjack tuna at tilapya.

Samantala, bumagsak naman anila ang produksyon ng bangus, galunggong, yellowfin tuna at tiger prawn.

Sa rekord ng PSA, umabot sa 4.35 milyong metriko tonelada ang naging produksyon ng sektor ng pangingisda noong 2018 kumpara sa 4.31 mil­yong metriko tonelada noong 2017.

Sa tatlong grupo ng nasabing sektor, nagkaroon umano ng pagbagsak sa produksyon ng commercial at municipal fisheries habang sumirit naman ang produksyon sa sektor ng aquaculture.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More