Una sa Balita

Problemang puso

0 167

“Love is in the air everywhere I look around

Love is in the air every sight and every sound”…ang sabi ng popular na kanta ni John Paul Young. Itong buwan na ito ay ­sigurado akong sunod-sunod ang paglabas para mag date at kumain at uminom. Wine and dine ika nga, lalo na sa linggong ito dahil sa Valentine’s Day. Malamang may mga plano na tayong celebration gaya ng mga concert, pelikula, may mga tinatawag pang 4-course dinners o mga buffet. Bago pa kung saan-saan mapunta ang usapan, tingnan muna natin ang ating puso. ‘Yung totoong puso natin na tumitibok at kumokontrol sa daloy ng dugo.

Ang puso ay isang muscular organ, kasing laki ng kamao natin, na matatagpuan sa loob ng tadyang natin o rib cage sa gawing kaliwa. Nahahati ito sa apat na silid o chamber, dalawang atria sa ibabaw at dalawang ventricles sa ilalim. Ang pangunahing layunin ng puso ay magpahitit o mag pump ng dugo (dala ang oxygen at mga ­nutrisyon) sa buong katawan natin.

Ang mga problema sa puso ay ang mga ­nangunguna sa listahan ng lahat ng mga ­karamdaman na ­maaaring ikamatay natin. Dito maraming risk ­factors ang ­kasangkot. Mayroong maaring mabago at mayroong hindi (non-modifiable or modifiable). Kabilang sa mga di nababago ay ang edad, kasarian, family history, at pati na ang lahi o race. May mga pagsusuring lumabas na nagsasabing may ­posibilidad na magkasakit sa puso ang mas matanda, ­kababaihan, may mga kamag-anak na may karamdaman sa puso, pati na ang lahing puti. Ang mga nababago naman ay ang mga sumusunod; hypertension, diabetes, ­obesity, dyslipedemia, pati na rin ang paninigarilyo. Lahat ng mga ito ay may kinalaman sa pagtaas; ng presyon ng dugo, ng asukal sa dugo, ng timbang o sobrang ­pagtaba, ng mga cholesterol, ­triglycerides at lipids, at sobrang paninigarilyo. Ang mga ito ang ­mareremedyuhan at makokontrol. Hindi natin ­lahat mapapagusapan ngayon, pero promise, sa mga susunod na edisyon, tatalakayin natin ang mga ito.

Related Posts

Mas importante, makapagpatingin sa doktor, maaaring ipagawa para sa inyong puso ang mga laboratory exam, Electrocardiogram o ECG, chest XRay, at pag-monitor o subaybay sa blood pressure. Kung minsan, idinadagdag ang 2D-echo, stress test at angiogram. Kung iisipin, parang ang dami ­namang ipagagawa para sa ‘di kalakihang parte ng katawan natin. Ngunit ang mahirap ay madalas ­walang sintomas ang karamihan, kaya hindi ­maiisip na may problema na pala hanggang huli na ang ­lahat. Isipin na lang natin, ang puso, sentro ng mga ugat ay ang lifeline natin.

Sa pagtapos ng kanta, “And I don’t know if I’m being ­foolish
I don’t know if I’m being wise. But it’s something that I must believe in
And it’s there when I look in your eyes”. Ang ­kalokohan ay pagpapabaya sa puso ­natin. Magpatingin sa doktor upang makasiguro sa lakas at ­abilidad nito. Sa inyong lahat, Stay in Love!
Hanggang sa susunod na Martes!

***

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics ­practitioner at DNA profiler, fellow ng International ­Co­llege of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, at radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn). Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More