Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Problemado sa pamilya, trabahador nagbigti

0 143

Wala nang buhay nang matagpuan ng isang helper ang kasamahan niya sa trabaho makaraang magbigti ito sa loob ng banyo ng pinapasukan nilang trucking company sa Navotas City nitong Miyerkoles.

Pinagtulungang ibaba mula sa pagkakabitin ng mga trabahador ng kompanyang nakabase sa kahabaan ng Barangay San Rafael ng lungsod ang 37-anyos na residente ng Balagtas, Bulacan pero hindi na ito humihinga.

Kuwento ng 40-an­yos na kasamahan ng biktima, nagkarga pa raw sila ng mga itatapong basura sa Parañaque City sa loob ng kanilang trucking compound, bandang alas-11:00 ng tanghali.

“Pagkatapos nun eh huminto kami para mananghalian at nagtungo sa banyo si [biktima],” ayon sa kasamahan.

Bandang alas-2:10 ng hapon, hinanap ng kasamahan ang biktima para umalis na at magtapon ng basura pero hindi pa rin ito nagpapakita.

“Pinuntahan ko siya sa banyo ngunit nakasara ito, kaya kinatok ko nang kinatok,” dagdag pa nito.

Dahil hindi pa rin sumasagot, nagpasya na ang kasamahang gibain na ang pintuan ng banyo at nang mabuksan tumambad sa kanya ang nakabigti nang katrabaho. (Orly Barcala)

Leave A Reply

Your email address will not be published.