Una sa Balita

Problema sa puso ni Pacquiao, palusot lang

By
0 919

MAS marami ang humanga kay Manny Pacquiao matapos nitong aminin na nag-undergo nga siya ng angiogram test, days before his fight with Matthysse.

Although wala naman daw komplikasyon o naging problema sa findings matapos na pag-treadmillin mga doktor na sumuri, ‘yun nga at natuloy ang laban at nagkampeon uli si Pacman.

Pero ang naging question kasi sa nga­yon ay bakit nagawang ilihim ni Pacman kahit sa kanyang asawa ang kanyang kondisyon, lalo pa’t may balitang pinapirma siya ng ‘waiver’ ng mga doktor na sumuri sa kanya at nag-diagnose na meron nga siyang ‘inborn heart problem.’

Napakaseryosong usapin nga naman ang pagkakaroon ng kondis­yon sa puso lalo pa’t isang boxing icon ang subject dito.

Kaya ang intrigang tanong ngayon ay hindi kaya strategy lang umano ito ng kampo ni Pacman na kailangang nasa ‘win-win’ situation if ever na natalo ito at mag-aanunsyo soon ng retirement?

But as of now, and as we all heard it from Manny, he still feels great for two to three more bouts before finally calling it ‘finish’.

***

Kumpiyansa naman ang hanay ni SBP prexy Al Panlilio na makakapaglaro pa sa dara­ting na Asian Games ang limang Gilas player na nasa Philippine lineup at napatawan ng parusa ng FIBA sanhi ng maiskandalong Gilas-Boomers game last July 2.

Ayon sa posisyon ng SBP na isinumite nila sa FIBA, magkaiba ang function ng Asian Games sa FIBA World Cup Asian Qualifiers, kaya’t walang rason na paabutin ang suspensiyon sa darating na Jakarta-Palembang Asian Games ngayong August 18 to September 2.

Ang Gilas natura­lized player na si Andray Blatche at ang apat na TNT player na sina Terrence Romeo, Roger Pogoy, Troy Rosario at Jayson Castro ay inaa­sahang magiging intact sa koponan ng sasabak sa Asian Games.

Iyan nga ay kung hindi sila pahihirapan ng FIBA lalo pa’t may tsikang hindi umano nagugustuhan ng ilang opisyal nito ang reaksyon ng ilang Gilas officials (the coaches included) sa ipinataw na parusa sa kanila.

And how true ang tsismis na mayroong mga PBA player na i­nalok na maging bahagi ng GILAS team kapalit nung mga nasuspinde ang diretsahang umayaw na makapaglaro sa national team dahil daw ayaw diumano ng mga ito sa sistema ng coa­ching staff o mismong mga coach?