Una sa Balita

Problema sa presyo ng bilihin ang buhusan ng oras

By
0 172

Nakadidsmaya lang na sa halip na pagtuunan ng pansin ay ang ekonomiya ng bansa ay tila mas natutukan Ang ibang usapin tulad ng politika.

Sa pinaka huling ba­lita ay pumalo sa 6.4 percent ang inflation rate na katumbas nito ng grabeng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Naitala ang pina­kabagsak ng inflation rate sa loob ng nakalipas na taon sa panabon ng Arroyo administration.
Lumala Ang inflation at naapektuhan Ang ekonomiya sa kabuuan sa Arroyo administration dahil sa napakaraming eskandalo At problema na ipinukol sa nasabing administrasyon.

Bagsak din Ang popu­laridad ng noo’y Pangulong Arroyo dahil na rin sa isyung politikal bagama’t masuwerte na nalampasan nito at natapos Ang termino subalit naipakulong din dahil naman sa kaso ng maling paggamit ng pondo ng PCSO.

Pero sa kasalukuyan ay napakataas ng popularidad ni Pangulong Duterte At marming mamamayan Ang pilit na nagtitiis pa at nagti­timpi sa dinadanas na kahirapan dahil sa pag-asang maayos ito ng kasalukuyang admi­nistrasyon.

Related Posts

Dapat ay ibuhos ng gobyerno Ang lakas at oras upang ayusin ang problema sa mataas na bilihin lalo na ang presyo ng bigas sa buong bansa.

Masyadong nauubos ang panahon sa isyung politikal habang marami ang dumadaing sa hirap ng buhay lalo na sa mga presyo ng bilihin.

Magandang silipin din ng Pangulo Ang performance ng kanyang economic mana­gers na siyang pangunahing may pananagutan sa. nasabing usapin.

Samantala, dapat ay mabilis na agapan din ang problema sa mga probinsiya lalo na sa Mindanao na napaulat na dumadanas ng mataas na presyo ng bilihin partikular ang bigas.

Pakinggan sana ng Malacañang ang pana­wagan ng ibang sektor at ayon mismo kay Senator Ping Lacson na kung wala pang krisis sa pagkain ay maa­ring ito ay malapit nang maganap sa bansa kung hindi agad kikilos Ang gobyerno.