Una sa Balita

Problema sa LRT, MRT, minana lang kina Arroyo, Aquino – Panelo

0 471

Isinisi ng Malacañang sa nakalipas na dalawang administrasyon ang nararanasang kalbaryo ng mga taga-Metro Manila sa matinding traffic pati na ang kunsumisyong dinaranas ng mga sumasakay sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT).

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang mga nararanasang perwisyo ngayon ng marami commuter sa Metro Manila ay resulta ng ilang taong kapabayaan ng mga nakalipas na administrasyon.

“The present problem in our mass transit system (LRT and MRT) are the products of many years of neglect by the previous administrations,” ani Panelo.

Minana lamang aniya ng Duterte administration ang problema at kahit gustong lutasin ni Pangulong Rodrgo Duterte sa pamamagitan ng hinihinging emergency powers ay ipinagkait naman ito ng Kongreso.

“These perennial problems are a carryover of two previous administrations, and inherited by the present one. This administration wanted to address the same immediately but Congress opted not to grant the President the emergency powers he asked from it at the inception of his presidency to solve it,” dagdag ni Panelo.

Sa kabila aniya ng ipinagkait na emergency powers ay gumagawa ng paraan ang gobyerno ni Pangulong Duterte para maibsan o mabawasan ang kalbaryong dinaranas ng maramig taga-Metro Manila. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy