Una sa Balita

Problema sa game-fixing pupuksain ng PBA, MPBL

0 674

BENCHWARMER
Ferdz Delos Santos

Akala yata ng marami, magkakumpetensiya ang Philippine Basketball Association (PBA) at ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ni Senator Manny Pacquiao.

Nagkakamali po kayo.

Ang totoo, nagtutulu­ngan pa ang dalawang liga para sa ikauunlad pa ng larong basketball sa bansa at upang makatulong magbigay ng hanapbuhay sa maraming manlalaro.

Isang katunayan pa na walang masamang tinapay ang PBA at MPBL sa isa’t isa nang magpulong ang mga opisyales nila upang sawatahin at labanan ang game-fixing sa dalawang liga.

Kamakailan ay nakipagkita sina PBA chairman Ricky Vargas, TNT representative sa PBA board, at si league commissioner Willie Marcial kay MPBL CEO and founder Pacquiao pati kay league commissioner Kenneth Duremdes para talakayin ang isyu ng game-fixing.

Kasama rin sa pagpupulong si Ginang Chaye Cabal-Revilla, misis ni Congressman Strike Revilla, na team owner ng Bacoor Strikers sa MPBL.

Pinag-usapan nila kung paano mapupuksa ang game-fixing at ang ginagawa nilang pag-monitor sa ilang player, coaches, team officials at referees na maaaring nasasangkot sa ganitong uri ng sugal o panloloko.

“Actually, ang usapan namin talaga focused more on illegal gambling. But this is a good step towards a fruitful partnership between the two leagues,” ayon kay MPBL Commissioner Duremdes sa online interview matapos ang nasabing meeting.

Masaya naman si Mrs. Cabal-Revilla dahil sa hakbang na ito ng dalawang liga, na aniya’y makakatulong sa pagpapalago pa ng sports ng basketball.

“It’s a collaboration between MPBL and PBA that they are not competing leagues. Both leagues have the same objective of promoting basketball as a sport to develop athletes, provide livelihood to the players, coaches, staff and their families. But we’re also coordinating and sharing info to help fight the issue of game-fixing,” sabi ng ginang.

Saludo po ang BENCHWARMER sa hakbang na ito ng PBA at MPBL. Bukod sa napatunayan ng dalawang liga na hindi sila magkakumpetensiya, malaking tulong din ito upang mapreserba ang integridad ng bawat mga laro sa dalawang pangu­nahing basketball leagues.

Maraming salamat po Kume Marcial at Senator Pacquiao sa inyong mga inisyatibo. Mabuhay po kayo!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy