Una sa Balita

Problema ng MMFF lalong lumaki

0 719

Nakatanggap kami ng tawag sa isang “big supporter”(and a friend from the sporting world) ni SAP Bong Go after ng DZMM show naming Chismax last Sunday.

Sa pakikipagpanayam kasi namin sa spokesperson ng MMFF na si Noel Ferrer, naitanong namin dito ang tsikang “natawa o pinagtawanan” umano ng jury members ang pag-amin ni SAP Go na siya ang “lone” voter ng Fantastica sa iba’t ibang kategorya for the awards.

Kinumpirma nga ito ni Noel at sinabi pang naging very honest ito sa kanyang saloobin, pero hindi naman daw pinagtawanan ng mga jury member.

Dahil napag-usapan namin sa aming show at nakapag-opinion kami na hindi dapat naroroon ang isang gaya niya na mukha namang hindi nanunood ng lokal na sine, hayun nga at may tumawag sa amin.

Sinabi ng aming kausap (read: big supporter ni Go at friend din naman namin), “para namang pinagtatawanan ninyo ang pagiging jury ni SAP Go? Lahat naman ay entitled sa kanilang opinyon.”

Hindi na namin ito sinagot pa dahil paninindigan namin ang last statement niyang entitled ang lahat sa opinion. Ang feeling lang kasi naming ikinaloka ng aming kausap ay nang turan naming “kung sinu-sino na lang kasi ang inilalagay ng MMFF at MMDA Committees simula sa screening hanggang sa jury, kaya’t imbes na ma-lessen ang mga problema sa MMFF every time, eh mukhang nanganganak pa.”

Ni hindi na nga namin pinatulan ang mga komento ng aming televiewers and listeners na “playing favorite o nagpapalakas” lang si Bong Go kay Vice Ganda (at mga supporters) by announcing and making public of his manner of voting last MMFF deliberations for awards, dahil come 2019 elections, siya itong may interest sa kanila ‘di ba?

Happy 2019 sa ating lahat!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy