Una sa Balita

Pro boxers libre na ang medical labs at check-ups

By
0 110

Hindi na pagbabayarin ng iba’t ibang medical check-ups at laboratory sa lahat ng pagamutang pinatatakbo ng Department of Health (DOH) ang lahat ng ‘professional boxers’ sa bansa bilang tulong sa pagdiskubre sa mga posibleng maging bagong world champions.

Ito ang nakapaloob sa nilagdaang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan nina DOH Secretary Paulyn Ubial at Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Mitra para sa pagbibigay ng libreng medical benefits sa mga propesyunal na bo­xers na lisensyado ng GAB.

Kabilang na sa libre ang annual check-up, CT Scan o MRI kung kinakailangan, at kung may World Championship fight ay libre rin ang ibang eksaminasyon tulad ng eye examination, neurologic clearance, HIV at Hepatitis C screening.

Sa panuntunan ng GAB, kinakailangan na sumailalim at pumasa sa kumpletong medical examination ang mga propesyunal na boksingero bago mabigyan o makapag-renew ng kanilang boxing license.

“Recognizing the financial burden of these examinations posed to clients, the DOH in partnership with GAB is extending free medical examinations to applicant and professional boxers in selected DOH hospitals across the country,” ayon kay Ubbial.

Nalaman kay Mitra na kasalukuyan nasa 1054 ang mga boksingerong may lisensya sa kanila sa GAB. Karamihan sa kanila ay maituturing na nasa kategoryang ‘indigent’ dahil sa napakababang kinikita.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy