Una sa Balita

Prison guard sinaksak sa Bilibid

0 304

AGAW-BUHAY ang isang tauhan ng ­Bureau of Corrections (BuCor) makaraang ­saksakin ng isang preso na umano’y may kapansanan sa pag-iisip sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kahapon.

Isinugod sa Ospital ng ­Muntinlupa ang biktimang si Inspector Edgardo Ferrer, duty officer ng NBP, dahil sa isang tama ng saksak sa dibdib.

Kinilala naman ang presong ­nanaksak na si Wilson Topic, na ­nakakulong sa Maximum Security Compound ­Building 4A na ­nakakaranas ng schizophrenia o kapansanan sa pag-iisip.

Sa report ni Justice Undersecretary Markk Perete, alas-8:40 nang umaga nang maganap ang insidente.

Agad namang nilipat sa ­psychiatric ward ng NBP ang ­suspek at ­nagsasagawa pa ng masusing ­imbestigasyon sa ­nangyaring pananaksak ng preso. (­Armida Rico/Lorraine Gamo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy