Una sa Balita

Pringle nanalasa; PH pinisak ang Kazakhs

By
0 909

PUMUNTOS ang lahat ng 11 player ni coach Yeng Guiao, ginalamay ni Stanley Pringle sa team-high 18 points nang pa­liguan ng Pilipinas ang Kazakhstan, 96-59, para maa­ngas na pasimulan ang kampanya sa 18th Asian Games 2018 men’s basketball prelims sa Gelora Bung Karno Sports Complex basket­ball hall dito kahapon sa Jakarta,Indonesia.

Kumuha ng inspirasyon ang Nationals sa pagsaksi sa game ni National Basketball Association (NBA) player Fil-Am Jordan Clarkson ng Cleveland Cavaliers na dumating mula Tate sa third quarter.

Nakipagkumustahan siya kay Guiao at nakatakdang matasahan sa susunod na laban ng Rain or Shine-Philippine Basketball Association sa Martes, Agosto 21, matapos siyang payagang makalaro ng NBA sa kaagahan ng linggo.

Abante Hiring – IT dep

May impresibong 6-of-9 shooting si Pringle sa pagdiing­ siya nga ang isa sa mga aasahan sa team, ayon na rin sa ilang coach sa Maynila, sa Group D game ng 15-team, 19-day hoop event.

Nagkontribusyon ng 15 si Fil-German Christian Standhar­dinger at 12 points si James Carlos Yap, Sr.  sa larong dominado ng mga Filipino pro, na umaa­sinta ng unang bronze sa loob ng 19 na taon o sapul noong 1998 sa Bangkok, Thailand o pangatlo sa pangkalahatan.

Buena manong silver sa 27 taon, o pagkaraan noong 1990 sa Beijing, China o pangalawa sa kabuuan, at una ring gold makalipas noong 1962 sa ­Jakarta, Indonesia at panlima sa sumatutal.

Ang mga Pinoy cager ang sumakop ng unang apat na gold sa quadrennial multi-sport event sa nasabing ­disiplina noong 1951 sa New Delhi, India; 1954 sa Maynila; noong 1958 sa Tokyo, Japan at 1962 sa Jakarta.

Iskor:

Philippines 96 – Pringle 18, Standhardinger 15, Yap 12, Lee 10, Tiu 9, Norwood 7, Almazan 6, Erram 5, Belga 5, Taulava 5, Ahanmisi 4.

Kazakhstan 59 – Bykov 13, Gavrilov 9, Yergali 8, Zhigulin 7, Bazhin 6, Chsherbak 6, Kuanov 6, Marchuk 2, Maidekin 2, Yagodkin 0, Satkeyev 0.

Quarters: 16-9, 41-20, 61-43, 96-59.