Una sa Balita

Pringle Ginebra na

0 324

TULUYANG bibitawan ni NorthPort coach Pido Ja-rencio ang scoring champion ngunit injured star guard na si Stanley P­ringle patungo sa Barangay Ginebra San Miguel sa pagnanais nitong makuha ang serbisyo ng mga dati nitong player mula sa University of Santo Tomas.

Dahil sa tinamong injury nina point guard Nico Elorde at wingman Jonathan Grey, puwersado ang NorthPort kumuha ng isang beteranong guard sa katauhan ni Sol Mercado bilang parte ng negosasyon sa pagnanais nitong masustena ang itinala na pagwawagi sa ginaganap na PBA Commissioner’s Cup.

Bitbit ng Batang Pier ang kabuuang 5-1 record para sa ikalawang puwesto.

Sinabi ni Jarencio na maliban kay Mercado, nais din nitong makuha ang mga dati nitong manlalaro sa UST na sina – Jervy Cruz at Kevin Ferrer upang mapunuan ang kanilang kahinaan sa shaded lane.

“While we lost an exciting player in Stanley, we will have the expe-rience of Jervy and Solo and the versatility of Kevin,” sabi ni Jarencio. “In a sense, we will get bigger.”

Hinihintay na lamang sa usapan ang pag-apruba ng PBA Commissioner’s office.

Si Pringle ay patuloy na iniinda ang bone spur surgery sa kanan nitong paa.

“We thank Stan for five great years. He’s been our sparkplug and we gained prominence because of his gutsy plays and the character he displayed on the court. In some of our games, he even played with pain,” pahayag naman ng pamunuan ng NorthPort. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy