Una sa Balita

Pringle ‘kapitan’ ng GP Batang Pier

By
Si Stanley Pringle na laging naaasahan ng GlobalPort Batang Pier sa bawat laro. (PBA image)
0 1

Kinapitan ng GlobalPort Batang Pier si Stanley Pringle ng lasingin nila ang defending champion San Miguel Beer, 98-92 noong Bi­yernes.

Kinarga ng Batang Pier  ang pangalawang sunod na panalo sa season-ending conference matapos magtala si Fil-American guard Pringle ng 25 points, four assists at dalawang rebounds kontra Beermen.

Dahil sa kanyang kabayanihan, nahablot nito ang unang Accel-PBA Press Corps Pla­yer of the Week award sa Governors Cup.

Abante Hiring – IT dep

Inibabawan ni Pringle sa nasabing weekly citation sina LA Te­norio at Sol Mercado ng Barangay Ginebra, Jared Dillinger ng Me­ralco at Mahindra forward Aldrech Ramos.

Kumana si last season’s Rookie of the Year, Pringle ng anim na crucial points sa final 5 minutes ng fourth quarter.

Tumulong ang kakampi nitong si Terrence Romeo, bumira ng apat na puntos sa huling 25 segundo ng laro matapos mag cramps si Pringle.

Pinipilit ng Batang Pier na buma­ngon matapos ang apat na kabiguan sa apat na laro.

Nakalsuhan ang four-game skid ng GlobalPort matapos ma­nalo sa Meralco Bolts, 126-123 sa double overtime.

Pakay ng Batang Pier na sikwatin ang pangatlong sunod na panalo laban sa Rain or Shine sa Sabado sa Legazpi City.