Una sa Balita

Princess Zaira bentahe ang katawang pangmodelo

By
0 194

Ang pambato ng San Mateo, Rizal na si Princess Zaira Estrada, 18, ang candidate #3 ng Abante Babe, Ganda Mo, Teh!
Pansinin ang mo­rena beauty ni Princess dahil sa tangkad niyang 5’7 at katawang pang-modelo na may sukat na 32-22-32 na panlaban niya sa iba pang mga kandidata.

Si Princess ay naging Bb. San Mateo 4th runner-up 2017 at kasalukuyang 1st year BS Tourism sa ABE International Business College. Mahilig din siya sa sports tulad ng badminton at volleyball. Pangarap niyang maging professional model at beauty queen katulad ng idolo niyang si Pia Wurtzbach.

Sa mga gustong sumali para ma­ging Abante/Tonite Babe para sa buwan ng September, ipadala ang inyong close up at whole body picture, biodata sa roldancastro2015@gmail.com, 18 to 28 years old, 5’3” pataas.

Para iboto si Princess Zaira Estrada, Abante Babe #3, gupitin lang ang article na ito (70 % ang katumbas) at lakipan ng logo ng Abante na may petsa, lagyan ng pangalan ng nagpadala, address at telepono.

Ipadala ito sa Abante office sa 3rd floor Karrivin Plaza Building, 2316 Chino Roces Avenue Extension, Makati City. Puwede ring sumadya sa opisina at ihulog sa drop box.

May sorpresang premyong nakalaan sa mabubunot na Abante reader buwan-buwan at may tsansa makapanood sa grand coronation. Mahigpit na ipinagbabawal na lumahok ang mga empleyado at kamag-anak ng PRAGE Management Services hanggang sa se­cond degree of consanguinity.

Puwede ring mag-like online sa kanyang photo para sa karagdagang puntos (30%). Bisitahin ang Abante Facebook Page, AbanteTNT sa Instagram.

Para masilip ang ibang larawan ni Princess, dumalaw sa website na  www.abante.com.ph.