Una sa Balita

Princess Tin rumampa

By
0 427

IPINAKITA ng liyamadong Princess Tin ang kanyang tikas sa banderahan matapos manaig sa Group Race (11) Martes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sinunggaban agad ni Princess Tin ang unahan sa largahan, pagsapit ng unang kurba ay malinaw na dalawang kabayo ang agwat nito sa sumesegundong si Reigning Jewel.

Walang pagbabago sa unahan pagdating ng far turn at nagbadyang lumapit si Reigning Jewel subalit nabigo ito sa bilis ni Princess Tin.

“Ibinigay ko kung ano gusto ni Princess Tin, sabi ko kaya naman niya,” masayang saad ni class A jockey OP Cortez.

Sa rektahan ay lalong lumayo si Princess Tin kaya tinawid nito ang meta ng may anim na kabayo ang agwat sa nasegundong si Tenseventeen habang tersero si Agent Zarto sa 1,400-meter race.

Pumang-apat si Wild Talk habang pang-lima si Reigning Jewel.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy