Una sa Balita

Princess Eowyn, Super Sonic astig

0 231

DALAWANG astig na kabayo ang matagal nang inaabangan ng bayang karerista na magharap at matutupad ito sa Linggo sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite.

Markado sina Princess Eowyn at Super Sonic sa magaganap na PCSO Presidential Gold Cup Race at tiyak na magandang laban ang kanilang masisilayan dahil may mga malulupit din silang makakatapat tulad ni defending champion Sepfourteen.

“Natuloy din ang pagharap nina Princess Eowyn at Super Sonic, hindi ko palalampasin ito, panonoorin ko ito ng live sa Linggo, siguradong magandang bakbakan lalo’t ang rerenda sa kanila ay mga star jockey,” masayang sabi ni Alejo Trinidad, isang beteranong karerista.

May ipinagmamalaking 17 straight wins si Princess Eowyn habang kinasahan ni Super Sonic ang isa sa tigasing imported horse na si Bugle Notes sa Cojuangco Cup.

Natalo si Super Sonic kay Bugle Notes subalit ayon sa mga nakasaksing karera expert, nakatago ang pruweba ng kabayo.

Ang ibang kalahok sa event na may distansyang 2,000 metro ay sina Summer Romance, Hiway One, Pangalusian Island, Greatwall at Scarborough Shoal. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More