Una sa Balita

Princess Eowyn, markado sa Sampaguita Stakes Race

0 184

NAKATAKDANG rumampa ang pitong tigasing babaeng kabayo sa 2019 PHILRACOM “Sampaguita Stakes Race” ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Inaasahang markado sa laban ang Princess Eowyn na rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie B Guce, subalit ayon sa mga beteranong karerista ay malaki din ang tsansang manalo ng ibang kalahok dahil sa laki ng premyo.

“Milyon ang premyo kaya paniguradong naghanda ng todo ang mga kasali dyan,” saad ni Jonathan Baldemor, 34 years ng karerista.

Ikakalat ang P2M sa unang apat na kabayong tatawid sa meta kung saan ay P1.2M ang tatanggapin ng mananalo.

Ang ibang kalahok sa 1,800 meters race na inisponsoran ng Philippine Racing Commission ay sina Heiress Of Hope, Trust Me, Cerveza Rosas, Good Voyage, Doktora at El Debarge.

May hahamigin na P450,000 sa second placer habang ibubulsa ng third at fourth ang P250,000 at P100,000 ayon sa pagkakasunod.

Kukubrahin naman ng breeder ng winning horse ang P20,000.

Samantala, ilalarga rin ang PHILRACOM Charity Race. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy