Una sa Balita

Princess Eowyn humalimuyak

0 222

SINISIW ni Princess Eowyn ang mga katunggali upang sikwatin ang korona sa 2019 PHILRACOM Sampaguita Stakes Race Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Balewalang sinabayan ni Princess Eowyn ang lumutsa sa kanya na si El Debarge, kahit pinapahirapan ng kalaban ay magaan na tinawid ng winning horse ang meta sa event na may distansyang 1,800 metro.

Hinamig ni Edward Diokno ang P1.2M na premyo ng kanyang kabayong si Princess Eowyn.

Ayon kay Diokno ay pang-15 sunod na panalo na ito ni Princess Eowyn.

“Sobrang galing, parang wala lang kay Princess Eowyn ‘yung bakbakan sa unang 600 meters,” masayang sabi ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the year Jessie B. Guce.

Parating ng huling kurbada ay beripikadong mananalo si Princess Eowyn dahil nakalayo na ito nang todo.

Nakopo ng owner ni Heiress Of Hope ang P450,000 habang napunta ang P250,000 at P100,000 sa third at fourth placers na Doktora at Trust Me, ayon sa pagkakasunod.

Kumubra rin ang breeder ni Princess Eowyn ng P70,000 mula sa Philippine Racing Commission. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy