Una sa Balita

Prince, Paolo hiwalay na

By
0 1,836

True kaya ang tsismis na hiwalay na ang openly gay actor na si Prince Stefan sa kanyang model boyfriend na si Paolo Amores?

Nag-out si Prince noong 2016 at inamin niya ang relasyon sa Singapore-based boylet na si Paolo.

Inaabangan ng maraming beki ang mga photo nilang dalawa sa social media, lalo na ang mga sexy photo nilang magkatabi sila sa kama at habang nasa jacuzzi sila. Marami ring travel photo ang dalawa at wala silang keber sa ano ang sasabihin ng netizens sa kanilang PDA (Public Display of Affection) saan man sila naroon.

Pero maraming netizen ang nakapansin na wala nang pino-post sina Prince at Paolo na mga photo nilang magkasama. In fact, deleted na ang couple photos nila sa mga Instagram account nina Prince at Paolo.

Ang naiwan na lang na photo nilang dalawa sa IG feed ni Prince ay noong mag-celebrate sila ng kanilang anniversary sa Bangkok noong J­anuary 2018.

Sa IG feed naman ni Paolo, ang naiwang photo nila ni Prince ay dated April 2018 pa.

Balita kasing may naging unfaithful daw sa relasyon nila at si Prince ang tinuturo na salawahan.

Sa IG kasi ni Paolo, may mga talk topic siya roon tungkol sa breakup na mapapanood sa app na Blued. Ang mga naging topic niya ay: “When is the best time to date again after breakup?”; “Single and happy: Why you don’t need a boyfriend to complete you” at “Can you forgive your boyfriend after cheating?”

Though wala pang confirmation mula kay Prince na hiwalay na sila ni Paolo, makikita naman sa mga post niya sa social media na solo flight na lang siya sa mga travel niya abroad.