Una sa Balita

 Prince Harry at Meghan relasyon, aprub sa royal family!

By
0 4

Hindi tinatago ni Prince Harry na siya ay nasa isang seryosong relasyon ngayon. Inamin ng royal prince sa media na dine-date niya ngayon ang actress na si Meghan Markle.

Lumalabas si Meghan sa US series na Suits, pero isa rin itong Global Ambassador for World Vision.

Pareho nga raw sila ng mga interes ni Prince Harry at ito ay ang tumulong sa maraming tao sa iba’t ibang parte ng mundo.

Kumalat na nga raw sa royal family ang plano ng prinsipe na ma-engage na kay Meghan.

“It wouldn’t surprise me if he’s already thinking about engagement just because that’s where his head goes but that’s not where the relationship is at right now.

“This is totally Harry. The problem with Harry is when he falls, he falls hard. He goes in big time,” ayon pa sa isang palace source.

Masaya nga raw si Meghan dahil tinuturing niyang special man ng kanyang buhay si Prince Harry.

Sa isang pahayagan sa Canada, sinabi nito na she is “the luckiest girl in the world!”

All-out naman daw ang suporta ng royal family sa relasyon ng dalawa, kasama na rito ang ama ng prinsipe na si Prince Charles na nakilala na si Meghan at nagsabing gustung-gusto niya ito para sa kanyang anak.