Una sa Balita

Prince Harry at Meghan Markle, amoy kasalan na

By
0 7

Marami na raw signs na matutuloy ang pagpapakasal nina Prince Harry at ng American actress na si Meghan Markle. Kahit na wala pang nakikitang engagement ring sa daliri ni Meghan, marami na sa mga ginagawa nila ang sen­yales na magkakaroon na ulit ng Ro­yal Wedding.

Ayon sa E! News: “While Meghan may not be wearing a ring or a formal engagement announced, it’s fair to say they’re as good as engaged now.

“They’ve spoken about their marriage plans openly with each other and friends and family around them are pretty much thinking about wedding attire already!”

Ito raw ang tatlong big tell-tale signs na malapit nang mag-exchange ng ‘I Do’ ang dalawa.

Unang-una ay may sariling chauffeur na si Meghan na in-assign ni Prince Harry. Sa British Royal ­Family daw, ang magkaroon ng sariling sasakyan na may chauffeur ay parang isang engagement ring. Ilang beses na raw nakita si Meghan na sumasakay at lumalabas sa isang chauffeured black Volkswagen Golf.

Second sign ay ang meron ng wedding dress designer. Balitang-balita na ang designer na si Giles Deacon ang gagawa ng wedding dress ni Meghan. Ilang beses na rin daw silang nakitang magkasama at nag-uusap.

Third sign ay ang pag-iwan ni Meghan sa TV series niya na Suits. Usap-usapan na hindi pa raw nagku-commit si Meghan kung babalik siya para sa new season ng legal drama na Suits. Ginagampanan niya ang role na Rachel Zane.

Ayon sa isang source, kapag nag-wrap up na ang series sa November, lilipad na agad si Meghan to London kasama ang kanyang ina.

May mga nauna na raw ipadala to London na boxes of personal effects si Meghan. At mukhang doon na siya titira sa rami ng pinauna niyang mga boxes.