Una sa Balita

Prince Harry dumating na sa Canada

0 271

NASA Canada na si Prince Harry para magsimula ng bagong buhay kasama ang asawang si Meghan Markle at anak nilang si Archie.

Ito’y matapos ­niyang inanunsyo na “wala siyang ­option” kundi iwan ang ­kanyang royal life.

Lumapag si Prince Harry sa Vancouver International Airport nitong Martes, Enero 21 sakay ng British­ Airways flight 85 ­mula sa Heathrow, London, ayon sa MailOnline.

Nakunan ang prinsipe na ­naka-casual look kung saan ­ineskortehan siya ng dalawang security guard sa tarmac.

Nalitratuhan din si Meghan habang nag­lalakad kasama si ­Archie at dalawang aso nila at ­hinihintay ang pagdating ni Prince Harry. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More