Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Prince ‘bakod’ sa Ginebra

0 207

KASAMA si Prince Caperal sa 2014 Class ng mga pumasok sa PBA, hagip din siya sa sa bagong rule ng liga na kapag naka-pitong taon na sa pros ay magiging unrestricted free agent na.

Mukhang hindi pakakawalan ng Ginebra ang big man.

Inumpisahan na raw ng Gin Kings ang negosasyon sa 6-foot-7 forward, natigil lang nang sumirit ang mga kaso ng COVID-19 at ibinalik sa Alert Level 3 ang Metro Manila.

Tinigil din pansamantala ang mga laro ng Governors Cup.

“Nagkaroon na ng opening talks between (Ginebra team manager) Rayboy Rodriguez and Prince Caperal,” ani player agent Marvin Espiritu. “’Nung nagkaroon ng surge, everything stopped.”

Second round pick (17th overall) ng NorthPort si Caperal mula Arellano U, napunta sa Ginebra noong 2018.

Sa ilalim ni coach Tim Cone, naging mainam na back-up big man si Caperal.

Nahahatak palabas ni Caperal ang depensa, naging dagdag-armas na rin ang kanyang 3-point shooting. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.