Una sa Balita

Prime Water-Villar pipigain sa sweetheart deal

0 646

NAKATAKDANG magsagawa ng imbestigasyon ang House Committee Government Enterprise and Privatization sa maanomalyang take-over ng Prime Water Corporation sa local water district ng Bacolod City.

Ayon kay Bayan Muna Party-list Rep. Ferdinand Gaite minadali ang joint venture agreement sa pagitan ng PrimeWater at Bacolod City Water District (BACIWA) dahil walang isinagawang public consultation mula sa mga stakeholder.

Ang Prime Water na pag-aari ng pamilya ni Senate President Manny Villar at asawang si Sen. Cynthia Villar, pumasok sa 25-year joint venture agreement (JVA) sa BACIWA noong Hunyo 2019 sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP) program ng gobyerno.

Ayon kay Gaite, tinatayang 300 empleyado ng Bacolod City Water District ang posibleng mawalan ng trabaho kapag nag-take over na ang kompanya ni Villar.

“Some 300 employees of BACIWA will be affected,” ani Gaite sa sinumite nitong House Resolution No. 10.

Nauna nang itinulak ni Gaite ang imbestigasyon sa mga sweetheart deal ng Prime Water sa Local Water Utilities Administration (LWUA) sa kabila ng masamang serbisyo ng kompanya.

Ang iba pang tinakeover ng Prime Water ay nagresulta ng pagkatanggal sa trabaho ng mga empleyado sa Quezon province; Lemery, Batangas; Los Baños, Laguna; Batangas City; Rosario, Batangas; at Daraga, Albay. (JC Cahinhinan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More