Una sa Balita

Prime Water-Villar pinakataga sa tubig

0 410

LUMITAW sa datos ng gobyerno na ang Prime Water Infrastructure ng pamilya Villar ang may pinakamahal na rate ng tubig sa Pilipinas.

Base sa datos ng Local Water Utilities Administration (LWUA), pinaka­mababa pa rin ang singil sa tubig sa Metro Manila kumpara sa may 12 metro cities sa buong Pilipinas.

Ang mga consumer ng Metro Manila na kumokonsumo ng 10 cubic meters ng tubig kada buwan ay nagbabayad lamang ng P104 samantalang kung ikukumpara ang kaparehong konsumo, ang isang taga-Baguio ay nagbabayad ng P370.

Kasunod ng Baguio sa may pinakamataas na singil ay ang Meycauayan na naniningil ng P320 kada buwan at ang San Jose Del Monte na sumisigil ng P280 kada buwan. Ang dalawang lugar na ito sa Bulacan ay hawak ng Prime Water ni dating Senate President Manny Villar at Senador Cynthia Villar.

Sa datos ng LWUA, mas mataas din ang binabayaran sa tubig ng mga consumer sa Angeles, Batangas, Bacolod, Cabanatuan, Cagayan de Oro, Dasmariñas, Metro Iloilo, Metro Cebu at Davao.

Ang Bacolod ay naniningil ng P208 kada buwan, P205 naman sa Batangas City at P192 sa Cabanatuan City. Ang tatlong lugar ay parehong hawak ng Prime Water.

Naghain na ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Kamara para mapaim­bestigahan ang umano’y maanomalyang takeover ng Prime Water sa mga local water district sa bansa.

“Once the investigation begins, we will find out and disclose to the public the (alleged) sweetheart deals of Prime Water,” saad ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite.

Minsan nang naglabas ng negatibong report ang Commission on Audit (COA) sa mga water district na pinapatakbo ng kompanya ng mga Villar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More