Una sa Balita

Prime Water-Villar doble ang singil sa tubig

0 4,580

TINANGGIHAN ng Bustos Water District sa Bulacan ang joint venture proposal ng Prime Water Infrastructure Corp. ng pamilya Villar dahil sa nakakalunod na presyo ng tubig.

Binigyan ng Prime Water ng letter of intent ang Bustos Water District para magka-joint venture noong nakaraang taon pero tinanggihan ito ng huli dahil sa kanilang mga natuklasan.

Ayon kay Dra. Alicia Viacrusis, chairperson ng Bustos Water District, nakipag-ugnayan sila sa mga water district na may kasunduan na sa Prime Water dahil wala silang nakikitang panga­ngailangan dito.

“Kumikita ang Bustos Water,” sabi ni Viacrusis.

Aniya, nasa apat na piso lang ang cost nila per cubic meter ng tubig at P11 ang sinisingil nila sa kanilang customers, pareho pa rin ng presyo nito noong 1988.

Mas mababa ang si­ngil ng Bustos Water kaysa sa ibang distrito pati na sa singil ng Prime Water na nasa P28 per cubic meter. Sa kabila nito, kumikita naman ang water district ng kulang-kulang sa kalahating milyong piso sa isang buwan.

Nakipag-ugnayan sina Viacrusis sa mga water district na may joint venture sa Prime Water. Ang narinig nilang mga reklamo, kung gaano kabilis magtaas ng singil ang Prime Water, ganoon naman ito kakupad sa mga proyektong ipinapa­ngako nito.

Isiniwalat naman ni Engineer Even Calajate, dating president ng San Jose Water District, marami ang nagulat dahil dumoble ang si­ngil sa kanila sa San Jose del Monte sa tubig noong pumasok na ang Prime Water.

Dahil dito, sinulatan ng ­Bustos Water ang Prime Water para sabihing hindi ito interesadong makipag-joint venture.

Ang Prime Water ay minamay-ari ni dating Senate President Manny Villar, asawa ni Senadora Cynthia Villar.

Sinikap ng Abante na hingan ng paha­yag ang kampo ni Senadora Villar subalit sinabi ni Nini Rubia na “ang ­nega-nega naman niyan” at hindi na nagbi­gay ng pahayag. ­(Eileen Mencias

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy