Una sa Balita

Price freeze sa Mindanao nananatili

By
0 0

Walang katotoha­nan ayon sa Malacañang ang mga impormasyon kaugnay sa pagtataas ng presyo ng bigas at ibang bilihin sa Minda­nao.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa Minda­nao Hour briefing kahapon na ipinahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagpapatupad ng price freeze sa mga pangunahing pangangailangan sa Mindanao kasabay ng deklarasyon ng Martial Law.

“The price freeze is implemented for a period of 60 days and indicated in the declaration. The DTI monitors flow of goods and prices and this is, we’d like to underline this: there is no truth on reports showing price increase on rice which may affect distribution of relief goods,” paghahayag ni Abella.

“Uulitin ko po: There is no truth on reports showing price increase on rice. This is from the DTI,” pagbibigay-diin nito.