Una sa Balita

Price ceiling sa 120 gamot malaking tulong sa mga Pinoy

0 371

INIHAYAG ni Senator Sonny Angara­ ang pagsuporta sa price ceiling na inim­plementa ng Department of Health (DOH) sa ilang medisina.

Kamakailan lang isinailalim ng DOH ang 120 na gamot sa maximum retail price (MRP) scheme na makatutulong umano para mapababa ang presyo ng mga life-saving drug.

Kabilang sa bagong listahan ay ang mga gamot para sa killer disease tulad ng hypertension, diabetes, cardiovascular, chronic lung disease, neonatal disease, renal disease at mga kanser.

Ito na ang ikalawang batch ng mga gamot na isinailalim sa MRP scheme bilang pagtalima sa Republic Act 9502 o Cheaper Medicines Act of 2008.

Ayon kay Angara, malaking tulong ito para mapagaan ang buhay ng mga konsyumer lalo ang mga mahihirap na Pilipino.

“Kung tama ang pag-aaral ng DOH na ‘generic drugs are still sold up to four times the international reference prices here and branded innovator products are sold up to 22 times higher,’­ walang duda na makatura­ngan at makatao ang ganoong hakbang,” ayon kay Angara.

“Ang pinakamalaking component ng out-of-pocket health expenses ng pamilyang Pilipino ay gamot na aabot sa 50 percent,” dagdag pa niya.

Batay sa Philippine Statistics Authority, nasa P6,791 ang capital health spending ng bawat Pinoy noong 2017 habang P713 billion naman ang naitalang total national health spending ng parehong taon.

“Kada isang Pinoy, P1,779 ang ginagasta para sa gamot kada taon. Kaya nga ako, pinaglaban ko na ang VAT sa sale of drugs and medicines prescribed for diabetes, high cholesterol, and hypertension ay burado na simula January 1, 2019. Ito ay pinapatupad na batay sa RA 10963 o ang TRAIN law,” aniya pa. (Lorraine Gamo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy