Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Pretty yarn’ Mommy Lim suportado pagiging ‘babae’ ni Xian

0 285

Ang daming naloka sa pagpapa-girl ni Xian Lim sa Kapuso serye nila ni Glaiza de Castro, ang ‘False Positive’ na kung saan ay gumaganap nga siya bilang isang lalakeng buntis.

Kasi nga, para makaiwas sa matinding tsismis, kailangan na niyang magbihis babae. Kaya ang eksena, pinagbihis girl na siya, at nag-wig ng mahaba, at nag-make up.

“Sinong gusto makakita ng makeup transformation?” natatawang sabi ni Xian.

“Hala!!! Bakit naging maskulada yung babae? Hala!!! Ibalik mo si Xian!!!!” sabi ni Kim.

Pero, kuwela rin naman ang komento ng nanay ni Xian, ha!

“The daughter I never had!” sabi ni Mommy Mary Anne.

“Pretty yarn!” dugtong na sabi pa ng mommy ni Xian, na gandang-ganda nga sa kanyang anak na binata.

Kaya si Xian, nalito tuloy sa reaksiyon niya.

“Mom, I’m confused on what to feel sa comment na to!” sabi ni Xian.

Well, ang mahalaga naman ay ang suporta ng nanay ni Xian sa kanya, na kahit ano pa ang gawin niya sa harap ng kamera, tanggap nito. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.