Una sa Balita

Presyo ng tinapay lolobo

By
0 409

INAASAHAN ang pagtaas ng presyo ng tinapay sa pagpasok ng Holiday season.

Ito ang sinabi ni Lucito Chavez ng Phi­lippine Federation of Bakers sa Balitaan sa Beam Bealt Coffee ­kahapon.

Dagdag pa nito, ramdam na nila ang epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina sa mga binibili nilang sangkap sa paggawa ng tinapay at ang pagtaas sa singil sa tubig at kuryente.

Ngunit tiniyak ni Chavez na mayroong umiiral na corporate social responsibility sa kanilang hanay at kasama rito ang Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal na hindi nila tataasan ang presyo.

Dagdag pa ni Chavez na sa papasok na linggo ay maghahain sila ng petisyon sa Department of Trade and Industry (DTI) upang ipabatid na magtataas sila ng presyo ng tinapay.

Gayunman, hindi naman tinukoy ni Chavez kung magkano ang kanilang hihingin dahil pabago-bago ang presyo ng harina.

Samantala, umapela si Chavez sa pamahalaan na suportahan ang paggamit ng root crops sa tinapay gaya ng kamoteng kahoy, kamoteng baging, ube at kalabasa upang bumaba ang importasyon ng harina at maiiwasan pa ang paglabas ng dolyar sa bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy