Una sa Balita

Presyo ng petrolyo sisirit na naman

By
0 1,553

Magpapatupad ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng la­ngis sa bansa na epektibo ngayong Martes ng umaga (Abril 17).

Pinangunahan ng PTT Philippines, Pilipinas Shell, Seaoil at Phoenix Petroleum Philippines ang dagdag presyo na P0.35 kada litro ng gasolina, P0.55 kada litro sa diesel, at P0.80 kada litro sa ke­rosene na epektibo nga­yong alas-sais ng umaga.

Inaasahan naman na susunod maglabas ng anunsyo ang iba pang kompanya ng langis sa bansa sa pagpapatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na pagtataas sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Magugunitang nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng rollback ang ilang produktong petrolyo na P0.40 kada litro ng gasolina at P0.30 kada litro sa diesel.