Una sa Balita

Presyo ng NFA rice gagawing P32

By
0 4,058

KINONDENA ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani ang mungkahi ng National Food Authority (NFA) na tanggalin ang P27 na bigas nito sa merkado at palitan ng mas mataas na presyong nagkakahalaga ng P32 dahil kawawa dito ang mga mahihirap na Filipino.

“This is really anti-poor and the height of insensitivity as well as an added burden to consumers who are already overburdened by the skyrocketing prices of other commodities due to the TRAIN (Tax Reform for Accelaration and Inclusion) Law,” pahayag ni Zarate kahapon.

Binigyan-diin ng kongresista na wala itong pinag-iba sa sinabi ni Department of Agriculture Secretary Emmanuel ‘Manny’ Piñol na magtanim na lang diumano ang mga Pinoy ng palay sa Papua New Guinea samantalang ang solusyon sa kumokonting lupang sakahan ay ang pagpapatigil sa land use conversion ng agricultural lands at pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa.

Salungat din aniya ito sa mandato ng NFA na tiyakin ang national food security at panatilihing matatag ang supply at presyo ng palay sa bansa.

“You cannot ensure food security and stabilize prices by taking out the supply of affordable rice. On the contrary this would create instability and further hardships to consumers,” dagdag ni Zarate.

Sinabi pa nito na maituturing na “highly political product” ang bigas at anumang pagtataas sa presyo nito o pagkakaroon ng kakulangan sa supply ay siguradong uulanin ng batikos at mga kilos protesta.

“It would be best for NFA to drop this plan as well as their importation racket and concentrate on helping farmers increase their yield,” pagdidiin ni Zarate.