Una sa Balita

Presyo ng NBI clearance tataas sa TRAIN law

By
0 3,135

Simula sa darating na Marso 12 magtataas ang National Bureau of Investigation (NBI) sa ipinagkakaloob na clearance dahil sa mas mataas na Documentary Stamp Tax (DST) na dala ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Ayon sa abiso ng Department of Justice (DOJ) magiging P130 na ang NBI clearance mula sa orihinal na P115.

Nabatid na ang NBI Clearance ay isa sa mga pangunahing dokumento na kinakailangan para makapagtrabaho at maging sa pagkuha ng pasaporte.

Hinihingi ito ng mga kumpanya upang masi­guro na walang criminal record ang mga papasok na empleyado. papasok na empleyado.