Una sa Balita

Presyo ng mga school supply sumirit na – DTI

By
0 1,934

TUMAAS na agad ang presyo ng mga school supply sa mga pangunahing pamilihan, ilang linggo pa lang bago magsimula ang buwan ng Hunyo.

Ito ang ibinalita ng Department of Trade and Industry (DTI) sabay paliwanag na hindi umano maiwasan ang agarang pagtaas ng presyo ng mga school supply gaya ng notebook, pad paper, at iba pang gamit dahil sa taas ng demand nito.

Nabatid na noon pang nakaraang taon ay nagtaas na ng presyo ng mga papel na gagamitin para sa school supply at mas umangat pa ngayong malapit na ang pasukan, para sa school year 2018-2019 dahil sa pagmahal ng mga raw material mula sa ibang bansa at apektado rin ito sa paggalaw ng piso kontra dolyar.

Ang presyo ng ordinaryong notebook ay nasa P9 hanggang P12 habang nasa P12 hanggang P34 ang branded notebook. Ang Grade 1 to 4 pad paper ay P6 hanggang P42 at ang intermediate pad nasa P13 hanggang P32 na kasalukuyang presyo sa Divisoria.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy