Una sa Balita

Presyo ng LPG sumirit sa unang araw ng ‘ber months’

By
0 105

MULING nagtaas ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) nitong Sabado, Setyembre 1.

Sa abiso kahapon ng Petron Corporation dakong alas-12:01 nang ha­ting gabi, nagtaas ito ng P1.95 kada kilo sa presyo ng kanilang Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P21.45 na dagdag-presyo sa bawat 11 kilogram na tangke nito.

Bukod dito, tinaasan din ng Petron ng P1.10 ang presyo ng kada litro ng Xtend Auto-LPG na ginagamit sa mga taxi.

Asahan na ang pagsunod ng ibang kompanya tulad ng Solane sa kaparehong dagdag-presyo sa LPG at Auto-LPG kahit hindi pa nag­lalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong price hike ay bunsod ng pagtaas ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

Huling nagtaas sa presyo ng LPG noong Agosto 1 ng piso kada kilo sa presyo ng gasul at fiesta gas.