Una sa Balita

Presyo ng imported na karne, isda hihilahin pababa

By
0 95

GINAGAWAN na ng paraan para mapababa ang presyo ng imported na karne at isda.

“It’s my job to propose and the boss disposes. We are no longer pushing ta­riff cuts on meat, fish,” pahayag ni A­lbay Rep. Joey Salceda.

Binanggit ni Salceda na tatanggalin na ang karne at isda sa listahan ng mga irere­komendang produkto ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na tanggalan ng buwis.

Sa ganitong paraan ay mapanga­ngalagaan aniya ang kapakanan ng publiko laban sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Si Salceda ang isa sa isinugo ni SGMA para dumiskarte at makontra ang 5.7% inflation rate na naitala noong Hulyo.

Binanggit ng kongresista na pinag-aaralan na rin ang pagbaba ng taripa sa bigas, trigo at mais.