Una sa Balita

Presyo ng commercial rice sa Romblon tumaas

By
0 1,456

May naitalang pagtaas sa presyo ng mga commercial rice sa lalawigan ng
Romblon nitong mga nagdaang linggo, ayon sa pamunuan ng National Food
Authority (NFA).

Ayon sa pamunuan ng NFA-Romblon, tumaas ng halos tatlong piso kada
kilo ang special rice na dating nagkakahalaga lamang ng P53 kada kilo,
samantalang ang premium rice na dating P51 kada kilo, ngayon ay P53
kada kilo na.

Ang well-milled rice na dating P45 kada kilo, ngayon ay nasa P48 kada
kilo na samantalang ang regular-milled rice na dating P37 kada kilo,
ngayon ay P40 kada kilo na.

Ang pagtaas ay maaaring epekto ng pagkaubos ng mga NFA Rice sa iba’t
ibang palengke sa Romblon at pagtaas ng demand ng mga commercial rice.

Sinabi naman ni NFA Provincial Manager ­Romulo Aldueza sa mga
mamamahayag sa ­Romblon noong nakaraang Lunes na walang kontrol ang
kanilang ahensiya sa mga commercial rice dahil tanging NFA Rice lang
ang kanilang puwedeng lagyan ng suggested retail price (SRP).