Una sa Balita

Presyo ng bilihin, serbisyo sumirit

By
0 1,626

Sumirit ang presyo ng mga bilihin at serbis­yo sa bansa makaraang sumipa ang inflation rate sa 5.1% noong Abril.

Ito ang pinakamataas na pagmahal ng presyo ng mga bi­lihin at serbisyo mula nang maitala noong Hunyo 2011 ang inflation rate na 5.2%.

Ang inflation ay ang sukat ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, kasama na ang pagkain, kuryente, tubig at iba pa.

Abante Hiring – IT dep

Sa paliwanag ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ng ganoon kalaki ang inflation rate dahil nagmahal lahat ng pinagkakagastusan ng mga tao mula sa presyo ng bigas, inumin, damit, gas, tubig at pamasahe.

Nabatid pa na ang pagsipa ng inflation rate na lagpas sa target ng pamahalaan ay kadalasang nangyayari kapag nagmamahal nang sobra ang presyo ng bigas.

Ang pinakamataas­ na inflation rate gamit ang 2006 base year ay naitala noong Agosto 2008 nang uma­bot ito sa 10.5% at ang pagtaas ng pres­yo ng bigas dahil sa kakulangan ng suplay ang dahilan dito.

Hanggang nga­yon, hindi pa rin nakakapag-angkat ang National­ Food Autho­rity ng bigas.

Unang sinabi ng ahensiya na 250,000 metriko toneladang bigas ang kanilang aangkatin para mapunan ang kakula­ngan ng NFA rice. Pero nitong Miyerkoles ay ipinahayag ng NFA na 500,000 metriko tonelada ng bigas na ang kanilang iaangkat na kukunin mula sa pribadong sektor at government-to-go­vernment procurement.