Una sa Balita

Presyo ng bilihin lalong tataas, piso babagsak – Ping

By
Kasama ang presyo ng mga gulay sa inaasahang tataas sa bagong buwis dahil posibleng bawiin ng mga biyahero ang gastos nila sa mataas na pasahe sa pamamagitan ng pagtataas ng niluluwas na mga produkto. (Mike Taboy)
0 5,180

Aminado si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na nakaaalarma ang posibleng epekto ng implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ito ay kasunod ng babala ng senador sa posibilidad ng apat na porsiyentong pagtaas ng inflation rate dahil sa bagong batas.

Nangangahulugan aniya ito na malaki ang magiging pagtataas sa presyo ng mga bilihin at bababa ang halaga ng piso.

Taliwas naman ito sa inihayag noon ng National Economic and Development Authority (NEDA) na isang porsi­yento lamang ang itataas ng inflation hanggang matapos ang taon dahil sa TRAIN Law. 

Kinumpirma ni Lacson na sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at mga accountant, nabatid nito na maaaring tumaas ang inflation ng dalawang porsiyento hanggang apat na porsiyento. 

“Well I’ve talked to some BIR officials mismo — former and incumbent officials, I’ve talked to several topnotch accountants — ang estimate nila between two and four percent ang tatama sa inflation,” ayon pa sa senador.
Kung daragdag aniya sa kasalukuyang 3.2 porsiyento na inflation, maaaring umabot sa lima hanggang anim na porsiyento na sadya nang nakakabahala. 

“‘Pagka ‘yung increment na four or three percent pumatong doon, papalo na tayo ng mga five percent sa inflation. Medyo mataas ‘yun. Medyo alarming ‘yan kung aabot tayo ng mga six percent,” dagdag ni Lacson.