Una sa Balita

Presyo ng bigas tataas sa rice tariffication — IBON Foundation

By
0 244

NABABAHALA ang research group na IBON Foundation sa isinusulong na panukala na pagpa­pataw ng taripa sa bigas.

Sa ilalim ng rice tari­fication, aalisin na ang itinakdang limitasyon o quantitative restriction sa mga angkat na bigas at sa halip ay papatawan ng 35-percent tariff ang mga rice import.

Giit ng IBON, ang nasabing hakbang ay hindi mangangahulugan ng pagbaba sa presyo ng bigas, taliwas sa igini­giit ng gobyerno.

Katunayan, sa mga na­karaang taon na kasagsagan ng rice importation ng bansa, ay ang panahon din na su­mipa ang presyo ng bigas.

“For instance, when rice retail prices increased by Php7.99 per kilo durin­g the rice crisis in 2008, the country was already importing an average of 1.8 million metric tons (MMT) for three years, an unprece­dented vo­lume since 2000s. When the country imported even more at a yearly average of 2.2 MMT from 2008-2010, retail prices conti­nued to increase by an annual average of Php1.20 until­ 2016,” paliwanag ng IBON Foundation.

Babala pa ng grupo, maaaring nabibigyan ng maling pag-asa ang mamamayan na ang unlimited na pag-aangkat ng bigas ay mangangahulugan din ng ma­tatag na supply at presyo ng bigas.

Kapag nagkataon anil­a ay mamamayagpag sa industriya ng bigas ang mga trading cartel na nagdi­dikta ng presyo ng bigas.
Ang IBON Foundation ay isang non-profit research, education at information development institution na may prog­rama sa research, education at advocacy sa Pilipinas.