Una sa Balita

Presyo ng bigas tataas na naman?

By
0 2,640

NAGBABADYA umanong tumaas na naman ang pres­yo ng bigas matapos ianunsiyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumagsak ulit ang imbentaryo ng bigas sa bansa noong Pebrero.

Ayon sa PSA, bumaba sa 1,795 na tonelada ang imbentaryo ng bigas sa bansa noong Pebrero, mas mababa ng 22 porsiyento kumpara noong isang taon at mas mababa ng 22 porsiyento rin kumpara noong Enero.

Ang imbentaryong ito ay sapat para sa kakainin ng mga tao sa buong Pilipinas sa loob ng 53 araw.

Bumaba ang hawak na bigas ng lahat.

Ang imbentaryo ng National Food Authority (NFA) ay bumaba ng limang porsiyento ang hawak nilang bigas.

Ang mga commercial warehouse naman ay bumaba umano ng 5.74 porsiyento ang kanilang bigas habang 86.8 porsiyento naman ang binagsak na imbentaryo na nasa tahanan ng mga tao.

Dadami ang bigas sa bansa kapag nag-ani na ang mga magsasaka o dumating na ang mga inangkat.

Inaasahan ng PSA na dadami ang aning bigas sa katapusan ng Marso ng 15 porsiyento kumpara sa nakaraang taon.

Bahagyang tumaas ang farm gate price ng palay noong nakaraang Linggo gayundin ang wholesale price ng well-milled rice. Subalit bumaba naman ang presyo ng well-milled rice na mas mabenta sa mahihirap.