Una sa Balita

Presyo ng bigas, isda sisirit sa pakulo ni Salceda

By
0 486

NAGBABALA ang isang militanteng kongresista na lalo pang sisipa ang presyo ng bigas at isda sa itinutulak na taripikasyon ng mga econo­mic manager ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, ang taripikasyon ay makawiwindang din sa ekonomiya ng bansa.

Iginiit ng solon na hindi ito makakatulong para maawat ang pagtaas ng antas ng inflation.

“This tariffication will fully open the floodgates of imported rice and fish. But instead of lowering the prices of our staple food, it will in fact cause the increase of prices of the said pro­ducts because importers and businessmen would just pass on their added cost to consumers. As a result, it will further jack up the already high inflation rate of 5.7%,” pahayag ng kongresista.

Binanggit pa ni Zarate na ang mga imported na isda gaya ng galunggong ay makakasama sa kalusugan ng mga mamamayan dahil ilan sa mga ito ay nagtataglay ng formalin para mapreserba ang isda.

“The Department of Health has in fact also previously warned consumers to be wary of imported fish because formalin can cause cancer and it should be probed by Congress,” pagdidiin ni Zarate.

Sa halip na itulak aniya ang mga anti-consumer measure, dapat itaguyod ng mga pinuno ng Kamara ang Rice Industry Development Bill na sumusuporta sa kapakanan ng mga ­lokal na magsasaka.

Itinulak ng admi­nistrasyon ang taripikasyon ng bigas at isda dahil sa pambubuyo ni Albay Rep. Joey Salceda, isa sa tagabulong kay House Speaker ­Gloria Macapagal-­Arroyo.