Una sa Balita

Pressure gagawing sandata ni Coach Okumu, Lady Maroons

By
0 441

DALAWANG women’s volleyball title sa pre-season ang kinalawit ng University of the Philippines sa 2018.

Kaya aminado si head coach Godfrey Okumu na dagdag-pressure sa kanilang team ang nasabing tagumpay pagsalang nila sa 81st UAAP women’s volleyball.

Maganda ang naging training ng Lady Maroons noong nakaraang taon, patunay ang dalawang pre-season na sinalihan.

Para sa players, magiging mativation nila ang trophies na kanilang nahablot para sa kampanya sa UAAP season.

“It means a lot of pressure. For them and for me. That’s what it means,” saad ni second year mentor Okumu.

Kinalos ng Lady Maroons ang University of Sto. Tomas sa Philippine Superliga Collegiate Grand Slam para iuwi ang korona sa kanilang bakuran.

Nakaraang Setyembre, tinuldukan ng UP ang matagal na paghihintay na makasungkit ng titulo matapos pagpagin ang Far Eastern University sa finals ng Premier Volleyball League Collegiate Conference.

Gumamit ng magkaibang lineup si Okumu sa dalawang tournaments, pumalo si star hitter Isa Molde sa PVL habang ibinandera naman si Tots Carlos sa PSL.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy