Una sa Balita

Preso sa Cavite jail todas

By
0 337

Nasawi ang isang preso makaraang makaramdam ng hirap sa paghinga habang nakakulong sa Cavite Custodial Center.

Batay sa ulat ng Silang Municipal Police Station, ala-una Huwebes nang madaling-araw nang nakaramdam ng hirap sa pag­hinga si Jerry Rolloque habang nakakulong sa custodial facility sa loob ng Bureau of Jail Ma­nagement and Penology sa Brgy. Narra 1, Silang, Cavite.

Isinugod pa ito sa ospital ngunit kalaunan ay nasawi.

Nakulong si Rolloque dahil sa kasong pag­labag RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Mula Enero, si Rolloque ang ika-sampung naitalang namatay na preso mula sa iba’t ibang kulu­ngan sa Cavite.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy