Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Preso nang-agaw ng baril, dedo

0 123

Patay ang isang rape suspek matapos umanong mang-agaw ng baril sa kanyang police escort sa loob ng Tolomo police station Martes ng umaga sa Davao City.

Naisugod pa sa Davao Adventist Hospital ang suspek na sadyang hindi pinangalanan para sa proteksyon ng anak nito subalit idineklara nang dead on arrival.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ni Police Col. Kirby John Kraft, Director ng Davao City Police,naganap ang insidente pasado alas 8:00 ng umaga habang dadalhin na ang suspek sa Prosecutors Office ng Davao City para sa inquest proceedings ng kasong rape na isinampa laban sa kanya.

Ang suspek ay inaresto nitong Enero 1 dahil sa panggagahasa sa sariling anak na menor de edad.

Habang palabas ng istasyon, inagaw umano ng suspek ang baril ng kanyang escort subalit nakipagbuno ang pulis dahilan upang matumba silang dalawa, pumutok ang baril at tinamaan ang inmate. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.