Una sa Balita

Preso nakapuga sa sinirang rehas

0 218

PUSPUSAN ngayon ang isinasagawang manhunt operation ng mga tauhan ng Butuan City Police Station-5 laban sa nag-iisa nilang presong nakatakas mula sa kanyang selda kahapon nang umaga.

Kinilala sa report ang tumakas na si Jay-ar Mendoza, 28, may asawa, residente ng Brgy. Nongning sa Butuan.

Nakapuga ito sa pamamagitan ng pagsira sa rehas na pintuan at tinyempuhang walang nakabantay sa kanya.

Si Mendoza ay dinakip sa isinagawang drug buy-bust operation sa kasagsagan ng pista sa kanilang barangay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy