Una sa Balita

Preso bumigay sa TB

By
0 6

Patay ang isang inmate matapos na ito ay makaramdam ng hirap sa paghinga habang nasa lock up cell sa Antipolo police station detention cell kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Antipolo police ang nasawi na si Eric Cobalida y Eder.

Si Cobalida ay isinugod sa Rizal provincial Hospital matapos na ito ay makaramdam ng pagkahapo at nahirapang huminga dakong alas-8:10 ng gabi.

Subalit nalagutan din ito ng hininga habang ginagamot sa ospital.

Napag-alaman na ito ay may sakit na tuberculosis.

Si Cobalida ay nakulong nito lamang Mayo 21 dahil sa kasong statutory rape.