Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Presinto nagliyab, pagboto naantala

0 91

Naantala ang pagboto sa isang eskuwalan nang magliyab ito ilang oras matapos ang pagbubukas ng halalan sa Malate, Maynila kahapon ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa Aurora Quezon Elementary School sa San Andres St., Malate, Maynila bandang alas-8:52 ng umaga pero agad naman itong naapula ng ganap na alas-9:04 ng umaga.

Sinabi ni fire officer Jose Lantos Jr. na faulty electrical wiring mula sa ceiling fan ng isa sa mga silid nito ang sanhi ng sunog.

Samantala, nilinaw ni Jennifer Cruz na miyembro ng election board na wala namang naapektuhang vote-counting machine o balota sa sunog dahil agad nilang nailigtas ang mga ito.

Inilipat ang mga makina at balota sa bakanteng auditorium para maipagpatuloy ang botohan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.